Ang Pagkikita [ XXXXX-1 Vicente Solario ] 1/7

PES Certified Hit

Bawat araw ay kinasasabikan ko ang pagdating niya. Musika ang mahinang katok. Fiesta, kapag nakikita ko ang maganda niyang mukha, parang droga kapag nasisinghot ko ang amoy-sanggol na simoy mula sa pinaghalong halimuyak ng katawan niya, buhok at sariwang pawis, kasama ang amoy ng di naman mumurahing sabon na ginamit niya sa paliligo. Kapag nag-iisa ako ay para akong tinedyer na pinapangarap ang "crush".

..

Ang Pagkikita


XXXXX-1 of 7
Vicente Solario

Humaharurot ang ambulansya. Nabibingi ako sa malakas na wang-wang. Kanina, nakita ko ang anak ko, nagulat nang makita ako. Balisa ang mukha. Parang maiiyak. Nagmamadali. Tumatawag sa telepono, paikot-ikot ng lakad. Di malaman ang gagawin. Nakatingin lang ako. May gusto akong sabihin pero walang lumalabas sa bibig ko. Gusto kong itanong kung ano ang nangyayari. Maya-maya may mga dumating, mga lalaki. Binuhat ako. Pinagsikapang ilagay sa gurney. Pero wala akong nararamdaman. Basta parang gumagalaw ang paligid ko. Nakita ko na lang parang nasa loob ako ng ambulansya. 

"Tatay relax ka lang ha! Kaya mo yan. Sikapin mo lang na huminga. Malapit na tayo sa hospital." Sabi nung isang tao na nasa loob ng ambulansya.

Ako nga ang pasyente. Anong nangyayari? Parang namamanhid ang buo kong katawan. Mulat ako pero kahit ang mata ko ay di ko maigalaw. Patay na ba ako? Ganito ba ang namamatay? Pero hindi pa dahil nakakarinig pa ako ng mga salita. Wala akong magagawa kundi maghintay makarating sa hospital para malaman ko ang sasabihin ng doktor.

Hay... Mabuti pa magmuni-muni tungkol sa mga masasayang ala-ala sa buhay ko habang papunta sa hospital itong ambulansya.   

Balikan ko nga ang isang masayang nakalipas. Nagtatrabaho ako bilang isang maintenance engineer sa isang manufacturing plant. Wala sa hinagap ng mga empleyado ang mga nagaganap sa industriyang pinagkakakitaan ng factory dahil mga empleyado lang kami. Huli na nang malaman karamihan sa amin na unti-unti na palang nalulugi ang kompanya. Nagsimulang mahalata namin na may mga stock kami na hindi nadedeliber. Hanggang umapaw na sa st...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow